Monday, August 14, 2006

Ang Naglipanang Spa sa Puerto Princesa

Ni Joel Contrivida

Talagang hindi na pahuhuli ang Puerto Princesa sa aspeto ng pagpapaganda at pagre-relax, dahil sa incoming weeks ay dalawang bagong Spa ang nakatakdang magbukas. Bukod pa ito sa alam na nating mga parlor, salon at spa sa lungsod na noon pa man ay nagpakilala na ng ganitong sistema ng pagpapaganda at pagpaparelaks. Base sa ating pagtatanong, mababa na ang P20,000 na kita ng ganitong negosyo sa isang araw.

Andyan ang Mizzas Touch sa Malvar St. na una nating nabalitaang nagpakilala ng sari-saring therapy. Ganundin ang MRS Therapeutic Spa sa San Pedro na tsikang mahusay din ang serbisyo. ‘Di rin nagpahuli ang tinaguriang Hair Guru ng Palawan na si Bong Villanueva at itinayo nito nung bakasyon ang kanyang Wholistic Face & Body Center sa San Juan Road, kung saan almost kumpleto ang pasilidad at panalo ang diamond peel nilang serbisyo.

Ngunit ang pinakauna sa kanilang lahat ay ang Dos Palmas Island Resort na matagal nang naglunsad ng ganitong serbisyo. Panalo ang ambiance nito at isa rin ito sa atraksyon ng isla simula nang maging trend sa mundo ang health tourism.

Ngayong Hulyo, dalawa namang malalaking Spa ang nakatakdang magbukas. Una diyan ay ang Holie Facial Spa Center na matatagpuan sa second floor ng City Coliseum. Ang Manila-based ramp at commercial model na half-Pinay at half- French na si Valerie Sophie Christine Bariu ang may-ari nito.

Naisipan nitong magtayo ng nasabing negosyo sa Puerto since may mga ari-arian ang kanilang angkan sa lungsod. Ang HFSC ay tinatayang ika-15 branch na sa bansa at franchise ito ng modelo, kung saan endorser nito ang actor na si Onemig Bondoc.

Ayon kay Cristy Martino, ang tumatayong tagapangasiwa nito sa ngayon, almost isang milyong piso ang investment ng kaibigan niyang may-ari nito. Lahat umano ng inaasahan ng marami sa isang bonggang Spa ay mayroon sila. Ang isa sa pinaka-best offer nila na wala sa ibang Spa sa lungsod ay ang Surgical & Aesthetic Tattoo. Maging ang hanap ng marami na Cosmetic Surgery tulad ng ginagawa sa mga kilalang celebrities ay mayroon din sila, by appointment nga lang. Ang Holie Facial Spa Center ay nakatakdang magbukas ngayong July 25.

Ang isa pa na hahabol din sa pagbubukas ngayong Hulyo ay ang Venus Health Spa na matatagpuan sa Escamilla Bldg. sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension. Pagmamay-ari naman ito ng taga-Manila na si Jacky Cheung. Si Cheung ay ang kasalukuyang station manager ng Love Radio-Manila, at tumatayong managing partner ng dyEZ 98.3 Love Radio dito sa Puerto Princesa.

Ayon kay Ana Mangila, senior spa therapist ng Venus Health Spa, na-frustrate umano ang kanyang boss sa mga Spa sa lungsod na hindi kumpleto ang mga serbisyo, kung kaya nagdesisyon itong magtayo ng ganitong negosyo dito. Ayon pa kay Ana, umaabot na rin sa isang milyong piso ang worth ng investment nila. Pangunahing serbisyo nila ang iba’t ibang klase ng masahe gamit ang lahat ng latest technique. Very well-trained umano at dalubhasa ang kanilang staff.

Kaya sa mga sobrang stressed out diyan at gustong mag-relax, nasa inyo na ang desisyon kung saan sa ating mga nabanggit ang inyong nais subukan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home