Libo-Libong Uwang Napigil Sa Paliparan
Ni Lourdes Escaros-Paet
PINIGIL NG MGA otoridad sa paliparan ng Puerto Prinsesa ang 2,212 piraso ng uwang (beetles) na dala ng dalawang dayuhan noong Agosto 16 dahil sa kawalan ng collection at shipping permit.
Ang mga uwang, na isa-isang nakaplastik at nakasilid sa isang karton, ay hindi nakaligtas sa paningin ng mga bihasang kawani ng Air Transportation Office (ATO) nang dumaan ito sa X-ray machine.
Agad na inaresto ng PNP Aviation Security Group sina Shen Lun Ten ng Canada at Wei Hui Fan mula sa Taiwan na natukoy na nagmamay-ari ng kargamento.
Tumangging magbigay ng impormasyon ang dalawa kung saan galing ang mga insekto at ano ang gagawin nila dito.
Subalit sa impormasyon na nakalap ng Bandillo, galing ng Bataraza sa timog Palawan ang mga insekto at binili ito ng dalawang dayuhan sa isang middleman sa halagang P50,000.
Ayon sa mga environmentalists na nakabase sa Bataraza, P30 hanggang P45 kada pares ang kuha ng mga middleman sa mga katutubo. Binebenta naman ito ng mga middleman sa mga dayuhan ng P300 kada pares.
Sa labas ng bansa, umaabot ng $80 o P4,000 hanggang P5,000 umano ang bentahan nito kada pares.
Bagaman wala pang kumpirmasyon mula sa mga eksperto, may bisa umano kagaya ng Viagra ang mga uwang at mabenta ito sa mga kalalakihang nakakaranas ng erectile dysfunction. Sa Internet na umano nagaganap ang bentahan nito.
Bukod sa medisinal na pakinabang, pinagsasabong din umano ng mga dayuhan ang mga insekto bilang katuwaan. Ang katawan nito ay niluluto samantalang ang ulo ay ginagawang souvenir item ng mga Hapon.
Ang dalawang dayuhan ay sinampahan ng kasong paglabag ng Wildlife Act ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS).
Nilinaw ni Alex Marcaida, tagapagsalita ng PCSDS, na hindi bawal magluwas ng mga uwang sa lalawigan basta may collection at shipping permit.
Ang mga uwang ay hindi kabilang sa mga naganganib na buhay ilang sa Palawan. Ilang uri nito ay kilalang peste na pumipinsala ng mga tanim na niyog.
Ito ang pangalawang beses na may nahuling iligal na kargamento ng uwang ngayong taon.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home